-- Advertisements --
Magsasagawa ng security talks ang mga foreign at defense ministers ng Pilipinas at Amerika sa Hulyo 30, 2024.
Ito ay sa layuning mapalakas pa ang kooperasyon sa pagtugon sa paggigiit ng China ng mga claim nito sa disputed waters.
Ang nakatakdang 2+2 meeting sa pagitan nina U.S. Secretary of State Antony Blinken, Philippine Foreign Secretary Enrique Manalo, U.S. Defense Secretary Lloyd Austin at kaniyang Filipino counterpart na si Defense Sec. Gilbert Teodoro ay isasagawa kasunod ng pagtatapos ng mga negosasyon ng security allies sa panukalang military-intelligence sharing dalawang linggo ang nakakalipas.
Huling ginanap ang security talks sa pagitan ng PH at US noong Abril 2023 sa Washington.