Nagkasundo ang panig ng PH at US na resolbahin ang maritime dispute kasama ng China sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng mapayapang paraan.
Ito ay matapos ang pag-uusap sa telepono sa pagitan nina National Security Adviser Eduardo Año at United States National Security Advisor Jake Sullivan kahapon, Hunyo 27 na isinapubliko ngayong araw.
Dito, tinalakay din ng 2 opisyal ang umiigting at bayolenteng aksiyon ng China Coast Guard laban sa mga tropang Pilipino sa resupply mission noong Hunyo 17 sa BRP Sierra Madre outpost sa Ayungin shoal.
Kapwa binigyang diin din ng 2 National Security Advisers ang mahalagang papel ng transparency policy ng Pilipinas sa WPS at kalamangan ng pagresolba sa disputes sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan gayundin ang paninindigan sa rules-based international order.
Ipinunto din ni Año kay Sullivan ang matatag na pagpapasya ng Pilipinas na protektahan ang sovereign rights ng bansa sa exclusive economic zone nito at national interest.