Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs ngayong Martes na nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na payagang pansamantalang manatili ang limitadong bilang ng Afghan nationals dito sa bansa habang pinoproseso pa ang kanilang US visa.
Ayon kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, bagamat ang naturang kasunduan ay humanitarian in nature, hindi aniya kasama dito ang mga Afghan refugees.
Sinabi din ni PH Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang naturang request ay para lamang sa Afghan nationals na nagtrabaho para sa US government kasama ang kanilang pamilya na tumakas mula sa Taliban na kasalukuyang namamahala sa Afghanistan.
Nilinaw din ng DFA na ang US pa rin ang tutustos sa mga kailangan ng mga Afghan nationals sa kanilang pansamantalang pananatili dito sa bansa kabilang ang kanilang pagkain, titirhan, seguridad, medikal at transportasyon hanggaang sa maproseso ang kanilang visa.
Sa ngayon, sumasailalim pa aniya sa final domestic procedures ang naturang kasunduan.