-- Advertisements --
image 684

Nakatakdang mag-host ang Philippine Navy sa Oktubre para sa 2023 iteration of Exercise SAMASAMA na taunang bilateral exercise kasama ang United States Navy.

Ang naturang maritime exercise ay gaganapin sa Oktubre 2 hanggang 13 sa Naval Forces Southern Luzon Area of Operations na layuning mapalakas pa ang international defense cooperation at maiangat ang rules-based international order ayon sa Armed Forces of the Philippines’ Public Affairs Office (AFP-PAO).

Dinisenyo din ang naturang exercise activities para palakasin ang warfare capabilities ng PH Navy kasabay ng offshore combat force ng banas para sa maritime security operations.

Saklaw sa exercise ang fundamentals ng anti-submarine warfare, anti-surface warfare, anti-air warfare at electronic warfare at nakapokus din sa warfighting serials.

Nakatutok din ang pagsasanat para mapagibayo pa ang maritime integration at pinagsamang interoperability kasama ang Japan Maritime Self Defense Force (JMSDF), Royal Australian Navy (RAN), Royal Canadian Navy (RCN), at the United Kingdom (UK) Royal Navy sa pamamagitan ng subject-matter expert exchanges (SMEE) ar humanitarian assistance and disaster response (HADR).

Nakatakdang mapadala naman ang French Navy (FN) at Royal Australian Navy (RAN) ng kanilang personnel para sumama sa exercise habang ang Royal New Zealand Navy (RNZN) at Indonesian Navy (IN) ay magsisilbing observers sa naturang maritime exercise.