Target ng mga opisyal ng Pilipinas at Amerika na magsagawa ng madalas na komunikasyon sa gitna ng tensiyon sa West Philippine Sea.
Ayon sa readout mula sa Pentagon, parte ito ng commitment para palakasin ang alyansa ng US at Pilipinas bilang suporta sa malaya at bukas na Indo-Pacific region.
Ang naturang plano ay ginawa kasunod ng pag-uusap nina US Defense Chief Lloyd Austin at Department of National Defense (DND) chief Gibo Teodoro sa telepono noong Hulyo 8 kung saan tinalakay ng 2 opisyal ang kahalagahan ng pagpreserba ng karapatan ng lahat ng bansa para maglayag, magpalipad at mag-operate nang ligtas at responsable saan mang lugar salig sa international law.
Samantala, nitong Hulyo 16 naman nakipagkita si US Joint Chiefs of Staff chairman Gen. CQ Brown, Jr kay DND Sec Teodoro, National Security Advisor Eduardo Año, at Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, Jr.
Kung saan binigyang diin ang commitment ng 2 bansa para sa kanilang defense ties at regional security sapagkat mahalaga ang alyansa ng 2 para sa malaya at matatag na Indo-pacific.