-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine Football Federation (PFF) na isasabak nila ang pinakamalakas na men’s at women’s team na puwedeng buuin ng Pilipinas para sa darating na 2019 Southeast Asian (SEA) Games.

Sinabi ni PFF president Mariano “Nonong” Araneta sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, ito raw ay batay sa assessment nina head coach Goran Milojevic at team manager Dan Palami.

“So, I’m confident that we can do some progress in this SEA Games,” giit ni Araneta.

Malaking tulong din aniya ang paglahok ng men’s squad sa mga liga gaya ng Copa Paulino Alcantara, habang kagagaling lamang ng distaff side sa isang training camp.

Noong Agosto ay lumahok din ang Malditas sa ASEAN Football Federation (AFF) Women’s Championship sa Thailand kung saan nagtapos sila sa ikaapat na puwesto.

Ito rin aniya ang kanilang naging prayoridad lalo pa’t napansin nila na kulang sa laro at exposure ang kapwa koponan nitong mga nakalipas na panahon.

Malaki rin umano ang kanilang tiwala sa abilidad ng mga Pinoy booters na tumagal at hindi masipa sa biennial meet.