-- Advertisements --

Balik sa semifinals ng ASEAN Championship ang Pilipinas.

Nasungkit ng Philippine Men’s National Football Team ang panalo kontra Indonesia sa iskor na 1-0, sa harap ng Indonesian crowd sa Manahan Stadium sa Surakarta.

Sapat na ang goal ni Bjorn Kristensen mula sa penalty kick sa ika-63 minuto para mapwesto ang Pilipinas sa pangalawa kung saan leading ang Group B leader na Vietnam (3-1-0) sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup. 

Tinapos ng Pilipinas ang group stage na may 1-3-0 win-draw-loss card at anim na puntos.

Nagtapos naman ang Indonesis sa iskor na 1-1-2 kung saan nasa ikatlong pwesto. 

Tanging ang dalawang nangungunang koponan ng bawat grupo ang uusad sa semifinals.

Huling nakapasok ang Pilipinas sa ASEAN Championship semis noong 2018.