-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Patutunayan ni Department of Tourism Secretary Atty. Maria Esperanza Christina Garcia-Frasco na matiwasay at ubod ng katahimikan ang malaking bahagi ng Mindanao.

Pag-alis ito sa matagal ng ‘stigma’ ng ibang mga pananaw na umano’y magulo at peligro ang seguridad para sa mga lokal at mga banyagang bisita kung mapadpad man dito sa rehiyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni DoT -10 regional director Marie May SalvaƱa-Unchuan na pangungunahan ni Frasco ang paglunsad ng Philippine Experience Program kung saan dadalhin umano nito sa Northern Mindanao ang foreign ambassadors na nakabase sa Maynila.

Paliwanag ni Unchuan na gusto umano ng ahensiya na mismo ang foreign ambassadors ang makaranas kung paano sila tinatratato ng mga taga-Mindanao.

Partikular na puntahan ng mga banyagang mga opisyal ang mismong Cagayan de Oro City at Bukidnon sa Mayo 23 nitong taon.

Bagamat hindi binanggit kung sinu-sino at ilang foreign ambassadors ang bibisita sa rehiyon sa huling bahagi ng buwan.

Nag-ugat rin ang ideya ng kalihim dahil matagumpay na nailusad ang 2nd Mindanao Travel Expo na dinaluhan sa lahat ng DoT regional offices ng bansa at private tourism stakeholders noong Abril 26-28,2024.