-- Advertisements --
gilas sea games

Matapos na manguna sa Group A na may malinis na record na tatlong panalo, uusad na sa crossover semifinals ang Gilas Pilipinas sa basketball ng 30th Southeast Asian Games.

Nagtapos ang Gilas sa preliminary round nang walisin ang Myanmar kagabi sa score na 135-67.

Hindi pinaporma ng mga Pinoy ang mga kalaban lalo na nang gumana ang 3-point offensives.

Wala maisagot ang Myanmar sa init ng mga kamay nina Matthew Wright at Marcio Lassiter na may eight 3-pointers.

Ito ay kahit pinagpahinga sa paglalaro ang PBA 5-time MVP na si Junemar Fajardo at si Stanley Pringle.

Samantala bukas ng Lunes ng gabi haharapin ng mga Pinoy sa semifinal matchup ang Indonesia kung saan ang coach ay ang dating Gilas bench tactician na si Rajko Toroman.

Para kay Toroman mas malakas umano ang team na hawak ngayon ni coach Time Cone kumpara sa lumaban kamakailan sa Wold Cup sa China lalo na at naglalaro na ang mga bigating shooters na sina Wright at Lassiter.

Para naman kay Cone hindi nila mamaliitin ang Indonesia dahil alam nila ang kalidad ni Toroman sa orihinal na Gilas team at naging PBA coach pa.

Samantala narito ang naging scores ng Gilas players sa naging laban kontra Myanmar:

Wright 29, Manuel 24, Rosario 16, Lassiter 15, Ravena 15, Aguilar 12, Slaughter 10, Tenorio 9, Standhardinger 6, Ross 0