Makahulugan ang mensahe ni Chinese Deputy Chief of Mission Tan Qingsheng sa pagbubukas ng Belt and Road Forum ng Pilipinas at China nitong araw.
Tila nagpasaring kasi ito sa kasalukuyang sitwasyon ng dalawang estado, na kapwa naiipit sa iba’t-ibang issue.
Gaya ng hidwaan sa West Philippine Sea at kinuwestyong loan agreements ng Beijing noong nakaraang taon.
Aminado si Tan na malaking hamon ngayon ang trust deficit o pagbagsak ng interes ng investors mula sa dalawang estado.
Gayunpaman, nangunguna pa rin daw ang China bilang trading partner ng Pilipinas.
“The other challenge for us is the ‘trust deficit.’ The relationship between two countries is similar. Even the closest friends can still have differences and arguments.”
“The secret of friendship is to prude our differences. It has suitable place without undermining the overall relations.”
Ipinaliwanag din nito ang Belt and Road Initiative na sinimulan ni Chinese Pres. Xi Jinping noong 2013.
“China has no intention to seek any sphere of influence or gain any geopolitical advantages through the BRI. We welcome any country who is willing to contribute to the regional connectivity and integration to join the BRI,” ani Tan.
Aabot sa higit P30-bilyong ang inaasahang kita ng estado ngayong taon dahil sa inaasahan ding buhos ng Chinese tourists sa bansa.
Bukod sa matatataas na opisyal ng China, bibit din ng Beijing ang ilang investors nito mula sa health, culture, media at construction industry.
Agad din namang naglatag ng programa ang mga opisyal ng pamahalaan para makumbinse ang dayuhang investors na tumulong sa mga proyekto ng gobyerno.
Kabilang na rito si Transportation Sec. Arthur Tugade na nagbida ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build program.
Ayon kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, panahon na para kilalanin ng gobyerno ang mga pagsisikap ng China para patunayan ang pagiging kaibigan nito sa estado.
” Rather than a competitor, China has proven to be a partner for development, providing market, becoming a donor and provider of capital and technology.”
Pilipinas ang unang destinasyon ng China sa serye ng Belt and Road Forum on People-to-People Exchange and Economic Cooperation nito sa ilan pang bansa na sumali Belt and Road Initiative.