Tuloy-tuloy na ang pagsasanay ni Rabiya Mateo, kulang-kulang tatlong buwan bago ang inaasahang 69th editiion ng Miss Universe coronation.
Mula sa pag-review ng current events sa bansa at pagsalang sa kunwariang interview portion, tinututukan naman ng 24-year-old half Indian beauty na tubong Iloilo ang tila kanyang magiging signature walk.
Kung maaalala, laging may mga bansag sa mga rampa ng mga nagiging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe tulad ng ”pilapil walk” ni Venus Raj, ”tsunami walk” ni Shamcey Supsup,” at cobra walk” ni Janine Tugonon.”
Tinagurian naman bilang “tanim-bala walk” ang kay Pia Wurtzbach na naging pangatlong Pinay Miss Universe noong 2015, at “lava walk” kay Catriona Magnayon Gray na pang-apat na Pinay Miss Universe noong 2018.
Panghuling naging Binibining Pilipinas-Universe ay si Gazini Ganados na inirampa ang “phoenix walk” noong 2019.
Si Rabiya ang kauna-unahang kinoronahan sa ilalim ng hiwalay na Miss Universe Philippines at tatangkaing masungkit ang korona sa 69th edition ng Miss Universe na inaasahang gaganapin sa darating na May 16 sa Amerika.