-- Advertisements --
Untitled 1
IMAGE | Screengrab, Miss Universe Organization/Twitter

FLORIDA, USA – Pasok ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Top 21 ng nagpapatuloy na 69th Miss Universe coronation night.

Kabilang sa mga may tsansa pang masungkit ang korona ay ang mga kandidata mula sa mga bansang:

  • Colombia
  • Peru
  • Australia
  • France
  • Myanmar
  • Jamaica
  • Mexico
  • Dominican Republic
  • United States
  • Indonesia
  • Argentina
  • India
  • Curaçao
  • Puerto Rico
  • Philippines
  • Brazil
  • Great Britain
  • Nicaragua
  • Thailand
  • Costa Rica
  • Vietnam

Sunod na rarampa ang Miss Universe candidates para sa swimsuit competition, kung saan suot din nila ang sapatos na gawa ng Filipino designer na si Jojo Bragais.

Target ni Mateo na maiuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas sa Miss Universe.