-- Advertisements --
Hindi man pinalad na masungkit ang korona, proud pa rin ang Pinay beauty queen na si Samantha Ashely Lo na nai-representa ang bansa Miss Grand International 2019.
Sa kabila ng pagkakapasok sa top 10 ng Best in Swimsuit, hindi pa rin nakalusot sa top 20 ang Cebuana beauty.
Kung maalala, nag-trending ang “Maria Clara” walk ni Lo nang irampa nito ang kanyang golden gown.
Itinanghal na Miss Grand International 2019 si Miss Venezuela; 1st Runner up naman si Miss Mexico; 2nd Runner up si Miss Thailand; 3rd Runner up si Miss Panama; at 4th Runner up si Miss Brazil.
Magugunitang nabalot ng kontrobersya ang pagre-representa ni Lo sa naturang pageant matapos maharang sa connecting flight nito sa France dahil sa umano’y fake passport na gamit nito.