PASAY CITY – Sigurado ng mauuwi ng billiarda team ng Pilipinas ang bronze medal sa Men’s 9 Ball pool-doubles matapos makapasok ang dalawang pambato ng Pilipinas sa semi finals.
Sa kabila ng magandang inilaro ni billiard legend Efren “Bata” Reyes kahapon sa larong Carom, hindi naman pinalad na makapasok sa finals ng Men’s 9 Ball pool doubles ang magka-tandem na si Carlo Biado at Johann Chua makaraang talunin ng Singaporean player na sila Toh Lian Han at Yapp Aloysius ang dalawang Pinoy sa score na 9-3.
Sa parehong category naman nagbigay kaba si Jefry Ignacio at Warren Kiamco ng Pilipinas sa tanden ng Myanmar players na si Tho Aung Moe at Phone Myint Kyaw sa 8-8 na score ngunit hindi pinalad ang Pilipinas na makuha ang last rack sa laro at natalo sa isang puntos lang na kalamangan (8-9).
Maglalaban ang Singapore at Myanmar sa finals at pag-aagawan ng dalawang tandem mula sa Pilipinas ang bronze medal na sigurado ng daragdag sa mga medalya ng iba pang mga bansa.
Sa snookers double naman, minalas si Basil Al Shajjar at Michael Mengronio kontra sa Singaporean na si Ang Tian Yi at Lim Chut Kiat sa final score na 3-0 sa quarter finals ng category.
Ngunit, hindi naman pinaporma ni Alvin Barbero at Jefry Roda ng Pilipinas ang Thailand na si Tirapongpaiboon Thanawat at Suwannawat Passakorn sa 3-0 score.
Si Roda at Barbero ay tutuloy na sa semi finals sa snookers doubles para makakuha ng medalya.
Sa Women’s Division naman ng 10-ball pool maganda ang ipinapakita ng Pilipinas at pasok na nga sa semi finals si 2017 SEA Games gold medalist Chezka Centeno at 2017 silver medalist Rubilen Amit matapos itumba sa quarter finals ang pambato ng Vietnam at Thailand. (report by John Salonga)