Tila binalaan ng Amerika ang gobyerno ng Pilipinas sa banta ng pagpopondo sa giyera ng Russia sa Ukraine sakaling magpasya ito sa pag-angkat ng langis at iba pang key commodities mula sa Moscow na walang tinag sa pagbenta ng kanilang langis sa kabila ng economic sanctions mula sa West.
Ito ay matapos na magpahiwatig ng pagkaalarma ang US Embassy na nakabase sa bansa kaugnay sa posibleng hakbang ng gobyerno ng Pilipinas na kaalyado ng Amerika sa Asya, para bumili ng oil at farm fertilizers mula sa Russia kasunod na rin ng inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa pagiging bukas nito para talakayin ang mataas na inflation sa bansa.
Sa naging pahayag ng embahada ng Amerika, welcome sila na magkaroon ng pagkakataon na komonsulta sa kaalyado nitong Pilipinas bago gumawa ng desisyon.
Dagdag pa ng embahada na ang Amerika bilang closed friend, kasosyo at kaalyado ng Pilipinas ay committed na makipagtulungan sa bansa para matugunan ang kinakaharap nitong mga suliranin sa ekonomiya.
Una rito, ang Russia ang major oil producer at exporter sa buong mundo.
Subalit sa kabila ng mga economic sanctions ng Amerika at mga kaalyado nito laban sa Russia dahil sa invasion nito sa Ukraine, nanatiling neutral at hindi bomoto ng pabor sa pagpataw ng sanction ang Pilipinas.
-- Advertisements --