Hindi na makakasali pa ang bodybuilders ng bansa sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam matapos na bigo silang matugunan ang panuntunan ng anti-doping.
Dahil dito ay pauwi na sa bansa ang bodybuilding team na binubuo ng walaong lalaki at isang babae.
Base sa isang opisyal ng SEA Games ay bigo ang bansa na magpakita ng sapat na ebidensiya na sumailalim sa doping test ang mga atleta tatlong linggo bago ang kumpetisyon.
Itinuturing naman ni Lorelei Rose Pedrano Deloria ang pangyayari na tila pagkawasak ng kanilang pangarap at sila ay labis na nalungkot.
Dagdag pa ng 29-anyos na bodybuilder na lahat sila ay sabik sa torneo dahil isang malaking oportonidad na irepresent ang bansa.
Unang nalaman nila ang insidente nitong nakaraang Miyerkules Mayo 11 kaya gumawa sila ng paraan subalit hindi ito naging sapat.
Binubuo nina Edward Alido, Leidon Cruz, Alexis Abule, Roderick Ternida , Homer Valmonte, Jesse Virata, Renz Alimorong, Ming Jereza at Lorie Deloria ang bodybuilding team ng bansa.