-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Philippine national bowling team na 100% na silang handa sa nalalapit nilang pagsabak sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay head coach at bowling icon Rafael “Paeng” Nepomuceno, pinagbutihan nang husto ng kanyang tropa ang pagsasanay na sinimulan nila noon pang nakaraang taon.

Buo rin ang loob ni Nepomuceno na matutuldukan na nila ang kanilang gold medal drought mula noong 2005 edition ng biennial meet na ginanap dito sa Pilipinas.

“We are training hard to win the gold medal,” wika ni Nepomuceno. “All year round and training nila [and now] ready na sila.”

Bagama’t Malaysia at Singapore ang ilan sa mga potensyal na karibal ng Pilipinas sa bowling, kumpiyansa ang sports icon na may kalalagyan ang national squad.

Noong 2017 SEA Games sa Malaysia, isang bronze medals ang ibinigay ng bowling sa Team Pilipinas, na nanggaling sa women’s team of five event.

Nagbigay din ng kanyang words of encouragement si Nepomuceno para sa lahat ng mga atleta na lalahok sa SEA Games.

“Sa mga atleta na lalaban sa SEA Games, go for the gold! Laban and gove your very best,” ani Nepomuceno.