Sasamantalahin umano ng mga boksingero ng bansa ang pagiging homecourt advantage sa nalalapit na Southeast Asian Games.
Sinabi ni Association of Boxing Alliance of the Philippines (ABAP) secretary general Ed Picson, bukod sa dito sa bansa gaganapin ang torneyo ay mas angat ang mga boksingero ng bansa.
Itinuturing nila na ang mabigat na kalaban ay Thailand subalit hindi nila isinasantabi ang lakas at galing ng Malaysia at Indonesia.
Pangungunahan nina 2-time SEA Games gold medalist at world championships silver medalist Eumir Felix Marcial, national athlete at kasalukuyang professional boxer Charly Suarez at Asian Games silver medalist Rogen Ladon ang kampanya ng Pilipinas para makasungkit ng mas maraming ginto sa 30th edition ng SEA Games.