Bukas ang Pilipinas sa ideyang mag-arkila ng mga barko mula sa ibang mga bansa para palawakin pa ang ating presensiya sa West Philippine Sea.
Paliwanag ni NMC spokesperson Alexander Lopez na dati pang ikinokonsidera ng pamahalaan ang naturang suhestiyon.
Ayon pa sa opisyal na ito ay parang isang stop-gap measure habang wala pang mga talagang sarili ang ating bansa.
Ang naturang ideya kasi ay insiyal na ipinanukala ni Senator Francis Tolentino nitong Miyerkules na maaaring mag-arkila ng mga barko para makatulong na mapalakas pa ang presensiya ng bansa sa naturang karagatan.
Ginawa ng mambabatas ang rekomendasyon sa gitna na rin ng tesiyon sa pagitan ng Pilipinas at China na patuloy na inaangkin ang kabuuan ng disputed waters kabilang ang WPS base sa kanilang 10-dash line map kahit pa ito ay nasa loob ng exclusive economic zone ng PH.