-- Advertisements --

Bumaba pa ang puwesto ng Pilipinas sa Energy Transition Index, batay sa pinakahuling report ng World Economic Forum (WEF).

Batay sa report, bumaba na sa 105th ang Pilipinas, mula sa 120 na bansa na sinukat sa Energy Transition Index, isang paraan para masukat kung kahandaan at progreso ng mga bansa sa energy transition. Dating pang-94 ang pwesto ng Pilipinas.

Ang bawat bansa ay binibigyan ng akmang score mula 0 hanggang 100 kung saan ang 100 ang pinakamataas.

Dito ay nakakuha lamang ang pilipinas ng score na 48.4, mas mababa kumpara sa 50.2 na score ng bansa noong nakalipas na taon.

Sa Southeast Asia, ang Pilipinas ay nahuhuli sa mga kalapit-bansa katulad ng Vietnam(32nd), Malaysia (40th), Indonesia (54th), Thailand (60th), Singapore (64th), Lao People’s Democratic Republic (72nd), Cambodia (77th) at Brunei Darussalam (96th).

Samantala, nangunguna naman sa Energy Transition Index ngayong taon ay ang Sweden, sunod ang Denmark, at pangatlo ang Finland.

Kabilang sa mga nagsilbing basehan ng naturang index ay ang maayos na distribusyon ng enerhiya, security at sustainability ng ginagamit na enerhiya, innovation, energy infrastracture, human capital, atbpa.