Nagsasagawa ang mga naval at air unit’s ng Pilipinas, Canada, at Estados Unidos para sa ika-7 Multilateral Maritime Cooperative Activity (MMCA) sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Inaasahan na ang ginawang exercise ay magpapaigting sa kooperasyon at interoperability ng mga kalahok na pwersa, at magpapalakas sa katatagan ng rehiyon at magsusustento sa mga prinsipyo ng isang malaya at bukas na Indo-Pacific.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Gen. Romeo Brawner Jr, ang exercise ay nagpapakita aniya ng magandang hangarin ng mga bansang kalahok upang mapalakas pa kooperasyon ng bawat bansa alinsunod sa international law.
‘The activity will be conducted in a manner consistent with international law and with due regard for the safety of navigation, and the rights and interests of other States,’ ani Brawner sa inilabas nitong pahayag, Pebrero 12.
Binanggit din ni Brawner na ang MMCA ay nagsusulong ng isang layunin na pangalagaan ang karapatan sa kalayaan ng paglalayag, paglipad, at maritime rights, ayon sa mga alituntunin ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).
Ang ika-7 MMCA ay kasunod ng mga nakaraang exercise sa rehiyon, kung saan nagsimula ang ika-1 MMCA noong Abril 2024, at sinundan noong buwan ng Hunyo, Agosto, Setyembre, at Disyembre ng parehong taon.
Habang ang Ika-6 MMCA naman ay isinagawa noong Pebrero 5 ng taong ito, at ang kasalukuyang exercise naman ay isinasagawa sa West Philippine Sea (WPS), partikular sa loob ng joint operational area ng Northern Luzon Command (NOLCOM).
Samantala kinumpirma rin ni AFP public affairs office chief Col. Xerxes Trinidad, ang patuloy na ginagawang mga exercise ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa mga partikular na unit at iba pang mga kalahok para sa mga kadahilanang pang-seguridad.
![](https://img.bomboradyo.com/newscenter/2025/02/AFP.jpg)