-- Advertisements --

Lumagda ang Pilipinas at Canada sa isang kasunduan sa cybersecurity bilang tugon sa mga hamon sa seguridad sa rehiyon.

Ayon kay Defense Assistant Secretary Arsenio Andolong, parehong nangako ang dalawang bansa na paigtingin ang bilateral defense relations sa inaugural meeting ng Defense Cooperation Working Group (DCWG) noong Enero 17, 2025.

Pinangunahan ni Defense Assistant Secretary Marita Yoro ang delegasyon ng Pilipinas, kasama ang mga opisyal mula sa Armed Forces of the Philippines at Department of Foreign Affairs.

Ani Yoro, Ang Defense Cooperation Working Group (DCWG) meeting ay mahalagang hakbang para sa pagpapalalim ng ating defense cooperation at pagbibigay-daan sa bukas na talakayan sa harap ng mga hamon sa seguridad.

Samantala, sinabi ni Scott Miller, Assistant Deputy Minister for Policy ng Canada, na patuloy nilang susuportahan ang Pilipinas sa pagsusulong ng katatagan sa rehiyon, pagharap sa mga isyung pangseguridad, at pagpapalaganap ng demokrasya at rule of law.

Tinalakay rin sa pagpupulong ang iba pang mahahalagang isyu tulad ng climate change, maritime security, at mga capacity-building initiative para sa militar at sibilyang personnel ng parehong bansa.