-- Advertisements --
IMAGE © PCOO | Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, Jr.

Nagkasundo ang Pilipinas at China na plantsahin sa diplomatikong paraan ang gusot sa issue ng territorial dispute sa West Philippine Sea (WPP).

Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr. matapos ang dalawang araw na meeting para sa Bilateral Consultation Mechanism (BCM) sa Maynila.

Ayon sa kalihim, maayos na nagpalitan ng opinyon at diskusyon ang kapwa delegado ng mga estado para maiwasan ang banta ng paggamit ng pwersa laban sa isa.

Inilatag din umano ng mga opisyal ang ilang lumutang na problema kamakailan sa West Philippine Sea.

Kabilang na ang patuloy na pagdami ng Chinese vessels, gayundin ang pagpapaalis nito sa mga Pilipinong mangingisda na naglalayag sa naturang bahagi ng karagatan.

“Both sides raised specific issues and recent developments and actions in the South China Sea which have raised concerns to either side, and proposed ways to address them in a cooperative manner. Both sides reaffirmed their commitment to cooperate and to continue to find ways forward to strengthen mutual trust and confidence,” ani Locsin.

Sa huli nagkasundo raw ang mga opisyal na magkaroon pa ng pag-uusap at konsultasyon bilang tugon sa nilalaman ng international laws na kanilang susundin.

” Both sides also reaffirmed the importance of maintaining and promoting regional peace and stability, freedom of navigation in and over-flight above the South China Sea.”

“Both sides reiterated their commitment to address disputes by peaceful means, without resorting to the threat or use of force, through friendly consultations and negotiations by sovereign states directly concerned, in accordance with universally recognized principles of international law, including the Charter of the United Nations and the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).”

Pati ang pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon ay kabilang din umano sa mga prayoridad na tugon ng dalawang bansa.

Ito na ang ikaapat na BCM meeting ng Pilipinas at China.

Gaganapin naman ang ikalimang serye nito sa kalagitnaan ng 2019.