-- Advertisements --

Tumangging sumuport ang Pilipinas sa panawagan ng United Nationas na kondenahin ang mga paglabag sa karapatang pantao ng Rohingya Muslim minority ng Myanmar.

Tanging Pilipinas at China ang bumoto kontra sa resolusyon ng UN Human Rights Council, habang 37 ang nagkaisa para sa pag-kondena, at pito ang nag-abstain.

Nakasaad sa resolusyon ang panawagan ng UN sa Myanmar government na bigyan ng ligtas at maayos na tirahan ang Rohingya minority na walang permanenteng tirahan sa loob ng estado.

Nabatid ng UNHRC na aabot na sa milyong Rohingya minority ang pumasok ng Myanmar matapos tumakas sa panggigipit ng mga sundalo sa Bangladesh.

Kung maaalala, una ng nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte ng kahandaan na tumanggap sa mga Rohingya sakaling maisip ng mga ito na magpasaklolo sa gobyerno ng Pilipinas.