-- Advertisements --

Kinumpirma ni Energy Sec. Alfonso Cusi na patuloy na umuusad ang pag- uusap sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay sa joint exploration sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Sec. Cusi, sa katunayan ay may imbitasyon na silang inilabas para sa mga interesadong kompanya na magtungo sa Pilipinas at mamuhunan sa exploration.

Ayon kay Sec. Cusi, apat na service contracts kasalukuyang pinoproseso at nasa Malacañang na para sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ni Sec. Cusi na hiwalay na usapin ang territorial dispute issue sa pinag-uusapang joint exploration sa West Philippine Sea.

“That is kuwan—we have an ongoing discussion ano and that discussion is led by DFA for a possible joint development dito sa West Philippine Sea. Pero para maliwanag lang ‘no, tayo under this administration, under President Duterte, iyong moratorium dati na sinasabing itigil ang pag-explore sa West Philippine Sea, ni-lift na natin iyan ‘no, ni-lift na natin iyan and then we continue to explore,” ani Sec. Cusi.

“And in fact, we have been issuing, we have made road show inviting exploration company to come to the Philippines and invest in exploration. And as we are talking now, I believe that we have four service contracts that are being processed already and then bring it to Malacañang for President’s signature for award.”