Naglabas ng matinding babala si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagpapatunay na ang Pilipinas ay ganap na nakahanda na ipagtanggol ang soberanya sa harap ng tumitinding agresyon ng China sa West Philippine Sea (WPS), kahit na ang bansa ay nananatiling nakatuon sa mapayapang diyalogo.
“The Philippines remains committed to dialogue and a peaceful resolution, but we also stand ready to safeguard our sovereignty. We call for respect, and we are determined to meet any challenges that may arise,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ang pahayag ni Speaker Romualdez ay direktang tugon sa pinaka bagong insidente kung saan intensiyonal na binangga ng China Coast Guard ang barko ng PCG ang BRP Teresa Magbanua na isa sa pinaka malaki at modernong patrol vessels ng Pilipinas.
Naganap ang insidente sa bahagi ng Escoda o Sabina Shoal na matatagpuan sa loob ng 370 kilometer exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ito na rin ang pang limang insidente ngayong buwan sa pinagtatalunang teritoryo.
Mariing kinondena ni Romualdez ang panibagong insidente at sinabi ito ay bahagi ng malawak na pattern of aggression ng China.
“With a heavy heart and unwavering resolve, I strongly condemn the recent acts of aggression by the China Coast Guard in the West Philippine Sea. The ramming of the BRP Teresa Magbanua, one of our largest and most modern patrol vessels, is a troubling incident that raises serious questions about respect for international law and our nation’s dignity,”pahayag ni Speaker Romualdez.
Nagpa-abot din ng mensahe si Romualdez sa gobyerno ng China na ang insidente ay hindi katanggap-tanggap at dapat respetuhin nito ang soberenya ng Pilipinas.
“We continue to hope for constructive dialogue, but it is clear that our patience is being tested. We have an obligation, under our Constitution and as a member of the international community, to defend our territory,”pagdiin ni Romualdez.
Ayon kay Romualdez panahon na para ikunsidera ang mas malakas na hakbang, upang protektahan ang ating maritime claims gaya na lamang ng palakasin ang military capabilities at ang presensiya natin sa West Phl Sea at palawakin pa ang alyansa sa mga international partners.
Umapela si Romualdez sa international community na papanagutin ang China sa kanilang mga agresibong aksiyon.
Hinikayat nito ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iparating na ang isyu sa highest levels of global diplomacy.
“I urge the Department of Foreign Affairs to bring this matter to the attention of the highest levels of international diplomacy. The global community, including the United Nations, should be made aware of these concerning actions,”wika ni Romualdez.
Nanawagan naman si Speaker Romualdez sa sambayanang Filipino na suportahan ang hakbang ng gobyerno para protektahan ang ating territorial integrity.