CEBU – Malaki ang pasasalamat ng Philippine Consul ng US Embassy na si Kristofor Graf kay Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia dahil sa malaking tulong nito sa embahada sa panahon ng pandemya noong taong 2020.
Sa pagbisita nito sa Cebu Provincial Capitol, inilala ni Graf ang mga pangyayari noong pandemya kung saan maraming mga dayuhang turista partikular na ang mga Amerikano na naiwan dito sa Cebu na nangangailangan ng tulong upang makabalik sa Estados Unidos.
Inihayag naman ni Governor Garcia na responsibilidad ng probinsiya na magbigay ng tulong sa mga nangangailangan noong panahon ng pandemya.
Ipinagmalaki naman ng gobernadora na ang Cebu ay nakabangon at ang unang nagbukas para maibalik ang ekonomiya na sobrang naapektohan ng pandemya.
Kasama sa ipinagmalaki nito ang Mactan Cebu International Airport na nitong bago lang ay nakatanggap ng parangal.