-- Advertisements --

Umaapela sa mga awtoridad ang Philippine Consulate General na nakabase sa New York na mas paigtingin pa ang pagtiyak sa seguridad sa naturang lungsod dahil sa mga insidente ng pag-atake.

Ito ay matapos na iulat ni Philippine Consul General Elmer Cato na dalawang mga Pilipino na naman ang biktima ng violence na nagdulot ng pangamba sa maraming Pilipino para sa kanilang kaligtasan.

Aniya, dahil sa insidenteng nangyari sa Manhattan, umaabot na sa pito ang bilang ng mga kaso sangkot ang miyembro ng Filipino community na kasalukuyang minomonitor ng Philippine Consulate General sa New York ngayong taon.

Nitong linggo lamang isang Pilipino ang inatake ng isang homeless man habang ito ay patungo sa simbahan habang isang 53-anyos naman na Pilipino ang pinagpapalo ng isa pang homeless individual noong araw naman ng Lunes kung saan nawalan ng malay ang Pilipinong biktima at ninakaw pa ang kaniyang wallet.

Ayon kay Cato ang brutal na pag-ataek na ito ay pumapalo na sa 34 cases ng anti-asian hate incidents at criminal violance kabilang ang mga Pilipino mula noong nakalipas na taon.

Base sa report mula sa Asian American Federation, nasa mahigit 2.17 million ang Asian-American Population sa New York state noong 2020 karamihan sa kanila ay naninirahan sa New york city na nasa mahigit 1.52 million o katumbas ng 17.35 ng populasyon ng siyudad.