-- Advertisements --

PH consulate general, inaasikaso na ang repatriation sa bangkay ng isang Pinay na natagpuan malapit sa pier sa Hong Kong

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Consulate General sa Hong Kong sa otoridad para sa resulta ng imbestigasyon kaugnay sa isang Filipino national na natagpuang patay.

Ayon kay Bombo Jing Gabiazon, international correspondent sa Hong Kong, natagpuan ang bangkay malapit sa public pier sa Hong Kong.

Sa inisyal na impormasyon, 51-taong-gulang ang biktima, babae, nakasuot ng sports wear, at nasa state of decomposition na ang bangkay nang nakita ng isang residente.

Hindi pa malinaw kung aksidente ang dahilan o may foul play sa pagkamatay ng naturang Pinay.

Una na ring sinabi ng Department of Foreign Affairs na may koordinasyon na ang Consulate General sa Hong Kong sa employer at sa pamilya mismo ng hindi pa pinangalanang biktima.

Inaasikaso na rin ang repatriation ng bangkay.