KORONADAL CITY – Muling pinaalalahanan ngayon ng konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang mga overseas Filipino workers (OFW) na maging maaga sa kanilang magiging transaksyon sa siyudad lalo na sa mga lugar na itinuturing na protest sites.
Sa ulat ni Bombo international correspondent Merly Bunda, sinabi nito na dapat umanong bumalik kaagad sa kani-kanilang mga bahay ang mga OFWs matapos ang transaksyon tulad nang pagpapadala ng pera sa Pilipinas.
Ito’y para hindi na maipit pa sa maraming mga protesters na komokontra pa rin sa extradition bill.
Kaugnay nito, patuloy rin ang pagpapaaala ng konsulada na huwag pumunta sa mga protest areas upang hindi rin madamay.
Mayroon rin aniyang inilabas na abiso ang Philippine consulate kung ano ang mga schedule ng protesta upang mabigyang babala ang mga OFWs kung saang mga lugar ang dapat na iwasan.