-- Advertisements --

MANILA – Aabot na sa halos 1.3-million ang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), nasa 1,293,687 na ang total confirmed cases sa bansa.

Kasunod ito ng 7,485 na mga bagong kaso ng sakit na nadagdag sa listahan.

Ayon sa DOH, apat na laboratoryo ang hind nakapag-sumite ng datos, bagamat nag-operate ang lahat ng pasilidad noong June 8.

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.52% sa lahat ng samples na nai-test at 0.43% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”

Sa ngayon nasa 56,921 pa ang total active cases o mga nagpapagaling sa sakit.

Mula sa kanila 92.6% pa ang mild cases, 3.2% ang asymptomatic, 1.7% ang severe, 1.3% ang critical, at 1.18% ang moderate cases.

Samantala, nadagdagan naman ng 4,504 ang total recoveries. Ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa bansa ay 1,214,454.

Habang 122 ang bagong naitalang namatay para sa 22,312 total deaths.

“15 duplicates were removed from the total case count. Of these, 12 are recoveries.”

“Moreover, 65 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”