Balik sa higit 1,000 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula sa higit 2,000 new cases na inireport ng Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin ng ahensya, aabot sa 1,761 ang newly-reported cases. Hindi pa kasali rito ang ulat ng siyam na laboratoryong bigo makapag-submit ng datos sa COVID-19 Data Repository System (CDRS) kahapon.
Dahil dito umaabot na sa 376,935 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa mula noong Enero.
Ayon sa DOH, mula sa 24,652 na bilang ng mga tinest as of 12:00pm kahapon, nasa 1,613 ang nag-positibo. Katumbas daw nito ang 6.5% positivity rate o porsyento ng mga nag-positibo mula sa populasyong sumailalim sa test.
Balik sa Quezon City ang trono bilang may pinakamataas na bilang ng mga bagong report na confirmed case sa 85. Sinundan ng Rizal, Caloocan City, Davao City at Laguna.
“Of the 1,761 reported cases today, 1,622 (92%) occurred within the recent 14 days (October 16 – October 29, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (431 or 27%), Region 4A (322 or 20%) and Region 3 (155 or 10%).”
Ang mga active cases o nagpapagaling pa ay nasa 39,940. Samantalang ang mga gumaling ay nadagdagan ng 740 kaya ang total recoveries ay nasa 329,848.
Habang 33 ang additional sa total deaths na ngayon nasa 7,147 na.
“Of the 33 deaths, 26 occurred in October (79%), 3 in September (9%) 3 in August (9%) and 1 in July (3%). Deaths were from NCR (12 or 36%), Region 11 (8 or 24%), Region 4A (3 or 9%), Region 3 (2 or 6%), Region 10 (2 or 6%), CAR (2 or 6%), Region 1 (1 or 3%), Region 6 (1 or 3%), Region 12 (1 or 3%), and BARMM (1 or 3%).”
Nagtanggal ang DOH ng anim na duplicates sa total case count, kung saan tatlo ang mula sa hanay ng recoveries.
“6 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases.”