-- Advertisements --

MANILA – Umabot na sa 1,262,273 ang kabuuang bilang ng mga indibidwal na tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH) nitong Sabado, June 5, nadagdagan pa ng 6,955 ang total case tally.

Ayon sa ahensya, bagamat operational ang lahat ng laboratoryo noong June 3, may dalawang hindi nakapag-sumite ng kanilang report.

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.17% sa lahat ng samples na naitest at 0.21% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”

Nasa 59,543 pa ang total active cases o kabuuang bilang ng mga hindi pa gumagaling sa COVID-19 infection.

Mula sa kanila, 93.5% ang mild cases. Habang 2.4% ang mga asymptomatic, 1.16% ang moderate, 1.7% ang mga severe, at 1.3% ang critical cases.

Nadagdagan naman ng 8,109 ang total recoveries na ngayon ay nasa 1,180,998 na.

Habang 195 ang naitalang bagong namatay para sa 21,732 total deaths.

“19 duplicates were removed from the total case count. Of these, 15 are recoveries.”

“Moreover, 102 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”