MANILA – Umakyat na sa 1,247,899 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 7,217 na bagong kaso ang total case tally ngayong Huwebes, June 3.
Ayon sa ahensya, bagamat nag-operate ang lahat ng COVID-19 testing laboratories noong June 1, may apat namang hindi nakapag-sumite ng datos.
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.29% sa lahat ng samples na naitest at 0.12% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”
Nasa 55,790 pa ang bilang ng mga active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.
Mula sa kanila 93.6% ang mga mild cases, 2% asymptomatic, 1.27% moderate, 1.8% severe, at 1.4% critical cases.
Nadagdagan naman ng 3,483 ang total recoveries, na umaabot na ngayon sa 1,170,752.
Habang 199 ang naitalang bagong namatay para sa 21,537 total deaths.
“34 duplicates were removed from the total case count. Of these, 16 are recoveries.”
“Moreover, 141 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”