Mas mababa kumpara sa nakalipas na araw ng Huwebes ang bilang ng bagong mga nahawa sa COVID-19 sa Pilipinas.
Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang umaabot sa 1,894 na mga karagdagang kaso ng COVID-19.
Dahil dito ang kabuuang tinamaan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay umaabot na sa 2,813,115.
Mayroon namang bagong mga naitalang 1,421 na gumaling.
Ang mga nakarekober ay umaabot na sa 2,738,975.
Meron namang nadagdag sa pumanaw dahil sa deadly virus na umaabot sa 170.
Sa kabuuan ang mga namatay sa bansa ay lagpas na sa 45,000 o umaabot na sa 45,035.
Mayroon namang dalawang laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“27 duplicates were removed from the total case count. Of these, 23 are recoveries and 1 is a death. Moreover, 145 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation,” bahagi ng DOH advisory. “All labs were operational on November 10, 2021 while 2 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 2 non-reporting labs contribute, on average, 0.7% of samples tested and 1.5% of positive individuals.”