-- Advertisements --

Nagsimulang matanggap ng mga miyembro ng Philippine men’s curling team ang kanilang mga cash incentives mula sa gobyerno.

Kasunod ito sa pagkakakuha nila ng makasaysayang gintong medalya sa sinalihan nilang Asian Winter Games sa China.

Ayon sa Philippine Olympic Committee (POC) na ibinigay na nila ang bawat miyembro ng tig- P275,000 bilang incentives mula sa POC Executive Board.

Sinabi ni POC President Abraham Tolentino , na ang nasabing halaga ay maliit lamang kumpara sa mga sakripisyo at mga sariling gastos ng koponan habang sila ay nagsasanay.

Ang grupo ay binubuo nina Marc Pfister, Christian Haller, Enrico Pfister, Alen Frei, alternate at Curling Pilipinas president Benjo Delarmente.

Ang mga Swiss-based athtletes ay naghahanda na rin para sa Milano Cortina Winter Olympics na magaganap sa susunod na taon.