Kumpiyansa ang Philippine cycling team na magagawa nilang humakot ng mga gintong medalya sa nalalapit nilang kampanya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay SEA Games gold medalist Marella Salamat, may potensyal ang pambansang koponan na maging numero uno sa biennial meet.
“We’re very confident of winning most of the gold medals in the SEA Games,” wika ni Salamat. “Maayos ang naging paghahanda namin ngayon at tiwala kami na mananalo kami.”
Todo rin ang pasalamat ni Salamat sa buong suporta na ibinibigay sa kanila ng PhilCycling sa pamumuno ni Rep. Abraham “Bambol” Tolentino at team manager Ernesto “Judes” Echauz.
“To be honest, I don’t want to put too much pressure on myself anymore. I’ll just do my best and see what happens,” ani Salamat.
Maliban kay Salamat, sasalang din sa kompetisyon sina El Joshua Cariño, Ronald Oranza at Jermyn Prado.
Bitbit ng mga Nationals ang ngalan ng Philippine Navy-Standard Insurance.
“Sa tingin ko, para sa atin itong gold ngayon. . Last year, nakita na namin ang mga kalaban at sa tingin namin, kaya,” sambit ni Carino.
Bagama’t Thailand at Indonesia ang tinitingnan nila bilang mabibigat nilang mga kalaban, malaking bagay aniya na kabisado nila ang ruta.