Nakapagatala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 2,961 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Halos doble ito sa bilang nitong nakalipas na Huwebes.
Sinasabing ito rin ang pinakamataas sa nakalipas na dalawang buwan sa daily taly ng kagawaran.
Ang kabuuang covid cases sa Pilipinas mula noong nakaraang taon ay nasa 2,843,979.
Samantala ay mayroon namang naitalang 481 na mga gumaling.
Ang mga nakarekober sa bansa ay nasa 2,778,242 na.
Marami naman ang nadagdag na mga pumanaw na nasa 132.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 51,504 na.
Sa ngayon ang mga aktibong kaso ay muling tumaas sa 14,233.
Napansin din ang pagtaas sa 10.3% ng positivity rate na siyang pinakamataas mula noong October 22.
Habang mayroon namang anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS) ng DOH.
“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”