Ilang eksperto ang nagmungkahi sa gobyerno ng Pilipinas na kunin din ang suporta ng international community upang palakasin pa ang protesta ng bansa laban sa China.
Sa isang forum na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, S. Rajaratnam School of International Studies’ research fellow na si Dr. Collin Koh, sinabi nito na dapat umanong i-welcome ng Pilipinas ang pagsama ng iba pang mga bansa sa isyu.
Naniniwala kasi itong si Dr. Colin na baka matakot ang China kung gawing international issue na ang sigalot sa South China Sea.
Liban nito, kailangan din daw magkaroon ng iisang posisyon ang mga opisyal ng Pilipinas at palakasin pa ang maritime patrol sa mga pinag-aagawang mga isla.
Para naman kay Carl Thayer ng University of New South Wales Canberra at ng Australian Defence Force Academy mahalaga raw ang gagampanang papel ng United States upang pagandahin pa ang relasyon sa mga kaalyado nito.