-- Advertisements --
UN body

Hinimok ni Liberal Party (LP) president Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pamahalaan ng Pilipinas na pakinggan ang panawagan ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na maimbestigahan ang mga kaso ng pagpatay na may kinalaman sa “war on drugs” ng Duterte administration.

Para sa opposition leader, hindi dapat pigilan ng gobyerno ang imbestigasyon at iwasan ang anumang banta sa mga nais gumawa ng pagsisiyasat.

“We urge the government to heed the call of the resolution of the United Nations Human Rights Council which also calls on it to cooperate with UN offices and mechanisms by facilitating country visits and “refraining from all acts of intimidation or retaliation,” wika ni Pangilinan.

Pinasalamatan din nito ang mga bansang nanindigan para alamin ang katotohanan sa mga kaso ng patayan sa Pilipinas.

“Thank you Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, UK Great Britain and Northern Ireland, and Uruguay for caring about the thousands of our poor countrymen who have been killed in the Philippine government’s deadly war on drugs. These countries have called for the Philippine government to “take all necessary measures to prevent extrajudicial killings and enforced disappearances, to carry out impartial investigations and to hold perpetrators accountable, in accordance with international norms and standards, including on due process and the rule of law,” pahayag pa ng LP president.

Umani rin ng samut saring reaksyon sa ibang mga bansa ang pag-apruba ng UNHRC sa kahilingan ng Iceland, lalo’t naging laman ito ng mga balita sa malalaking media networks tulad ng BBC, ABC at CNN.

Samantala, nanindigan ang Pilipinas na hindi tatalima sa resolusyong inaprubahan ng UN body.

locsin
Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr.

Kagabi (oras sa Pilipinas) ay lumabas ang resulta ng botohan, kung saan 18 bansa ang sumang-ayon sa panukala, 14 ang kumontra, habang 15 ang nag-abstain.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr., ibinase ang resolusyon sa maling impormasyon at mga sumbong.

Iginiit din ni Locsin na usaping panloob ng soberanyang bansa ang peace and order issue, kaya hindi dapat panghimasukan ng ibang mga bansa.

“Here is our response to the Geneva vote, and at that a minority vote: it is individually, severally and collectively unenforceable because as I told the UN there is no power on earth that can enforce a multilateral judgment on a country with an armed forces. And the UN agreed,” wika ni Locsin.

***Yes:
Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Iceland, Italy, Mexico,Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, United Kingdom of Great Britain and Northern Ireland, Uruguay

***No:
Angola, Bahrain, Cameroon, China, Cuba, Egypt, Eritrea, Hungary, India, Iraq, Philippines, Qatar, Saudi Arabia, Somalia

***Abstain:
Afghanistan, Bangladesh, Brazil, Burkina Faso, Chile, Democratic Republic of Congo, Japan, Nepal, Nigeria, Pakistan, Rwanda, Senegal, South Africa, Togo, Tunisia