-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nangunguna ngayon ang bansang Thailand sa mga sporting events sa unang araw ng nagpapatuloy na 14th South East Asian (SEA) Youth Athletics Championship sa Ilagan City Sports Complex.

Pinangunahan ni Supisara Kinla-Or ng Thailand ang sporting events na javelin throw (girls) dahil isa siya ngayong record breaker matapos niyang maitarak ang layong 51.53-meters na sinundan ni Pornchanok Suttisong na nakakuha ng pilak at nakuha naman ni To Uyen Ca ng Vietnam ang tansong medalya.

Sa high jump (boys), nakuha pa rin ng kinatawan ng Thailand na si Peerapat Insuwan ang gintong medalya, sinundan ni Pua Wei Kia Jonathan ng Singapore na nakakuha ng pilak habang tansong medalya ang nakuha ng pambato ng Pilpinas na si Patrick Shane Tolentino.

Sa long jump (boys), nakuha ni Athibodee Aonthonyai ng Thailand ang gintong medalya habang parehong kinatawan ng Vietnam ang nakakuha ng pilak at tanso. Nakuha ni Nhat Duy Pham ang pilak at tansong medalya ang para kay Minh Luc Le.

Gintong medalya ang nakuha ni Thanh Sang Nguyen ng Vietnam sa sporting event na 800-meter Boys na sinundan ni Roberto Belo Amaral Soares ng Timor Leste at pangatlo si Jeshrelvan Ombid ng Pilipinas.

Pumangatlo rin ang Pilipinas sa 800-meter Girls, nakuha ni Tara Borlain ang tansong medalya habang nanguna si Thi Kim Phuong Le ng Vietnam na sinundan ni Thu Quyen Nguyen ng Vietnam.

Ganoon din sa sportting events na 2000-meter steeplechase (boys), nakuha ni Michael Alfred Adan ng Pilipinas ang tansong medalya habang gintong medalya ang para kay Duy Thuc Huynh ng Vietnam at nakuha naman ni Roberto Belo Amaral Soares ng Timor Leste ang pilak.

Pumangalawa naman ang pambato ng Pilpinas na si Princess Jean Nalzaro sa sporting events na 100-meter hurdles (girls) habang naguna si Natthicha Sengna ng Thailand na nakakuha ng ginto at pilak na medalya ang nakuha ni Halimatul Saadiah Binti Mohammed Raja ng Malaysia.

Sa 110-meter hurdles (boys), nanguna si Mohd Irfan Izzan ng Malaysia na nakakuha ng gintong medalya na sinundan ni Marc Brian Louis ng Singapore at Suttipong Tongpech ng Thailand.

Sa 2000-meter steeplechase (girls) ginto ang para kay Matilva Marcal Trindade ng Timor Leste.