Idenipensa ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas sa ilang mga kritiko na pinagkukumpara sa mga kalapit na bansa sa Southeast Asian Nations pagdating sa paramihan ng COVID-19 cases.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabi Abeyasinghe, sinabi nito na hindi puwedeng ikumpara ang Pilipinas matapos lampasan na ang Indonesia sa dami ng mga kaso na tinamaan ng coronavirus.
Ayon kay Dr. Rabi ang Indonesia ay merong mahigit sa 267 million population na doble naman sa Pilipinas. (as of Aug. 7: Philippine 122,754 cases; 2,168 deaths/ Indonesia 121,226; deaths 5,593)
Kung ikukumpara naman sa Singapore, halos 20 beses na malaki ang popolasyon ng Pilipinas.
Dapat din daw isaalang-alang ang sistema kung gaano karami ang nagagawang testing sa popolasyon ng bansa.
Sa ngayon aniya, bilib ang WHO sa ginagawang COVID response program ng Pilipinas, tulad na lamang sa ipinapatupad na mga lockdown.
Ang paalala lamang ni Dr. Rabi na sana ‘wag magkampante ang bansa lalo na ang mamamayan nito.
“So, we don’t go just by the number of cases becuase the number of cases reporterd in a country is dependent on the popolation is dependent on how much of testing is done. And so what it shows is that how Philippines is a country with almost 110 million people about 20 times as much as Singapore. And you have a good testing program. So, you are detecting more. So, we are not worried about that. What we are worried about is how quickly we can control and supress the transmission. How can we minimize the deaths,” ani Dr. Abeyasinghe sa Bombo Radyo. “So, we are optomistic that we can still control the transmission here.”