Nanindigan si Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin Jr. na hindi magpapadala ang bansa ng kinatawan sa anumang climate change conferences.
Sa kabila ito ng mga sariling hakbang ng Pilipinas para ingatan ang kalikasan at matugunan ang problemang dala ng pagbabago sa panahon.
Ayon kay Locsin, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing kapos ang sanction ng international body sa mga malalaking bansa na pangunahing sanhi ng polusyon.
Giit pa nito, pabor ang bansa para sa radical proposals na tutugon sa problema at hindi na kailangan pa ng anumang usapan.
Paniwala ng Pangulo, pabor lamang sa mauunlad na bansa ang nakapaloob sa Paris Agreement on Climate Change.
Nag-aatas kasi ang kasunduan na pababain ng 70 percent ang carbon emission, gayung hindi naman maituturing na major emitter ang Pilipinas.