DAGUPAN CITY – Kumpiyansa si National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na hindi mahuhulog sa tinatawag na “debt trap” ang Pilipinas sa pag-utang sa China para ma-pondohan ang mga infrastructure programs ng Duterte administration katulad ng Chico Dam projects.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Esperon, sinabi nito na kayang-kaya ng Pilipinas na bayaran ang utang nito sa bansang China.
Nasa $12 billion daw kasi ang pumapasok na investments sa Pilipinas, mataas ng ‘di hamak kumpara sa $6-bilyong uutangin sa China.
Bukod dito, kilala rin aniya ang Pilipinas bilang bansa na may magandang track record pagdating sa pagbabayad ng mga foreign loans.
Nauna nang tiniyak ng Malacanang at Department of Finance na hindi malulubog sa utang ang Pilipinas sa China.