Lumilikha ang grupo ng scuba diving experts at enthusiasts ng coral nurseries sa sikat na dive spot sa katimugang bahagi ng kapital ng Pilipinas na Maynila para makatulong sa pagpapadami at pagrekober ng nasirang mga bahura.
Sa may coastal town ng Bauan sa probinsiya sa Batangas, kinolekta ng divers ang nasirang mga bahura at natanggal dahil sa mga kalamidad at man-made interference gaya ng plastic waste at dynamite fishing at isinalba ang mga buhay pang parte ng corals bago ilagay sa nurseries.
Ang Bauan na 2 oras ang layo mula sa Maynila ay tahanan ng ipinagmamalaking diverse coral population na nag-aakit sa diving enthusiasts sa loob ng ilang dekada.
Subalit ang mga bahura nito ay madalas na nakakaranas ng pinsala dulot ng bagyo at human caused destruction na naglalagay sa ecosystem at industriya ng turismo sa panganib.
Noong 2020, ilang parte ng probinsiya ng Batangas ang nakaranas ng mass coral bleaching event kung saan nagiging kulay puti ang corals dahil sa pagkawala ng algae bunsod ng mataas na temperatura at 72 kilometers ng coastline ang naapektuhan ayon sa conservationist group na Reef Watch Philippines.
Ito ang nagbunsod sa Bauan-based scuba diving instructor at resort owner na si Carmela Sevilla na maglagay ng nurseries para sa natanggal na mga bahura.