SUBIC – Nagkasya sa bronze medal ang Philippine team sa duathlon mixed relay sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Subic, Zambales.
Sa simula pa lamang ng duathlon, agad na rumatsada ang Thailand na sinundan ng Singapore sa unang pagtakbo.
Tila mahina ang simula ng Philippines at napanatili ito sa ikatlong pwesto hanggang matapos ang laro.
Huling tumakbo si Emmanuel Comendador ng team Philippines at sa kanyang pagtungo sa finish line ay bumagsak ito na agad inasistihan.
Nagtala ang Team Philippines Duathlon ng 1 hour 30 mins at 35 seconds para sa bronze medal.
Ang gold medalist na team Thailand ay may oras na 1 hour 28 mins at 48 seconds habang ang silver medalist Team Singapore ay may 1 hour 30 minutes at 16 secs.
Binubuo nina Monica Torres, gold medalist ng women duathlon individual, Efraim IƱigo ma tubong Ilocos Sur, Mary Pauline Fornea, at Emmanuel Comendador ang dualthlon mixed relay.
Samantala, nilahukan ito ng limang bansa, ang Singapore, Thailand, Vietnam, Malaysia at Philippines.
Kinakailangan ng isang duathlon atlete na tumakbo ng 2 kms at magbibisikleta ng 6.6 kms at babalik sa pagtakbo ng panibagong 1 km. (Report by Bombo Frammy Sabado)