-- Advertisements --

Aminado si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Benjamin Diokno na malaki ang epekto sa ekonomiya ng bansa lalo ngayong taon ang pagpapairal ng enahnced community quarantine (ECQ) at ngayon ay modified enhanced community (MECQ) sa NCR Plus Bubble.

Sinabi ni BSP Gov. Diokno, nauna ng inaprubahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang GDP growth forecast na 6.5 percent hanggang 7.5 percent ngayong taon bago ang pagpapairal ng lockdown sa NCR Plus.

Ayon kay Gov. Diokno, ngayong buwan magkakaroon ng pag-aaral ang DBCC at rerepasuhin ang pagtaya at magiging 6 percent hanggang 7 percent.

Pero tiniyak naman ni Gov. Diokno na makakabawi rin ang ekonomiya ng bansa at nananatili ang kanilang growth forecast ng 8 percent hanggang 10 percent sa 2022 batay sa mga economic indicators.