-- Advertisements --
image 144

Biniberipika na ng Philippine Embassy sa Israel ang napaulat na posibleng unang Pilipino na nasawi sa gitna ng nangyayaring giyera.

Ayon kay PH Consul General and Deputy Chief of Mission Anthony Mandap, nitong umaga ng Martes muling nilinaw nito na hindi pa nakukumpirma ng embahada ang naturang report.

Nagpahayag din ng pangamba ang opisyal sakali man na magkaroon ng unang casualty na Pinoy mula sa anim na natitirang unaccounted pa rin.

Paliwanag pa ni ConGen Mandap na ang unaccounted na kamag-anak ng Pinoy ang nagkumpirma sa pagkamatay umano ng nawawalang Pinoy.

Sa kabila nito, kasalukuyan ng kinukumpirma na ng labor attache ng PH embassy sa Israel ang katotohanan sa likod nito.

Samantala, batay sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay DFA USec. Eduardo De Vera, nasa 23 Pinoy ang nadakip ng militanteng Hamas subalit naisalba ang mga ito ng Israeli Defense Force.

Nagpaalala naman ang opisyal na huwag basta basta maglalabas ng mga unverified reports sa mga nawawala o namatay na Pinoy sa Israel.