Patuloy na nangangalap ng mga impormasyon ang gobyerno ng Pilipinas sa kung ano ang mga interventions na maaaring gawin upang matulungan ang Japan lalo na ang mga Pinoy na nasa nasabing bansa.
Una nang inihayag ng isang envoy na walang Pilipinong naiulat na nasugatan sa magnitude 7.6 na lindol na tumama saJapan sa pagdiriwang ng Bagong Taon noong Lunes.
Sinabi ni Philippine Ambassador to Japan Mylene Albano na ang mga Filipino community doon ay walang naiulat na nasawi sa kanila kasunod ng napakalakas na lindol na nagdulot ng malalaking tsunami warning sa bansa sa unang pagkakataon mula noong 2011.
Aniya, ayon sa mga impormasyong nakalap mula sa mga Filipino community sa mga apektadong lugar, ang ilan ay lumipat na sa mga evacuation center, habang ang iba ay nagtungo sa city hall bilang pag-iingat upang maiwasan ang posibleng tsunami.
Ang 7.6 magnitude na lindol ay agad na sinundan ng mahigit 50 malakas na aftershocks sa baybayin ng Ishikawa at sa nakapaligid na lugar.
Matatandaan na ang Meteorological Agency (JMA) ay naglabas at kalaunan ay ibinaba ang isang mataas na antas ng babala sa tsunami, na nagbabala sa publiko laban sa pag-alis sa kanilang mga tahanan dahil sa panganib ng mga nakamamatay na alon at aftershocks sa susunod na mga araw.
Ayon kay ALbano, hindi bababa sa 1,000 Pilipino ang naninirahan sa Ishikawa Prefecture.
Kaugnay nitom ang pinakamalakas na naitatala ay ang magnitude 8.9 na lindol sa Japan na tumama noong Marso 11, 2011.