Naglatag ang Embahada ng Pilipinas sa Amerika ng 24/7 hotlines para sa mga Pilipino doon sa gitna ng pagpapatupad ng malawakang crackdown ng Trump administration sa illegal immigrants.
Ayon sa Embahada, lahat ng mga Pilipino sa US ay may karapatan anuman ang kanilang immigration status.
Ang 24/7 consular hotlines ay magiging available sa urgent o biglaang mga sitwasyon.
Sa Washington DC, maaaring tumawag sa numerong 202-368-2767, sa Agana (Guam) – 671-488-4630, Chicago- 312-810-3019, Honolulu- 808-253-9446, Houston-346-256-4522, Los Angeles- 323-528-1528, New York-917-294-0196, habang sa San Francisco-415-269-2090.
Samantala, nag-abiso din ang Embahada sa mga Pilipino doon na myroon silang karapatan na manahimik sakaling ma-encounter nila ang law enforcement, tumanggi na magbigay ng consent sa immigration o police na magsagawa ng search sa kanila, sa kanilang sasakyan o bahay.
May karapatan din ang mga ito na kausapin muna ang kanilang abogado bago sumagot sa anumang katanungan.
Maaari ding tawagan ang Embahada ng Pilipinas o Consulate General at may karapataan ding umiwas na lagdaan ang anumang hindi naiintindihan.
Sa kasalukuyan, ayon kay PH Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, nasa 350,000 Pilipino ang iligal na nasa Amerika.